Miyerkules, Nobyembre 9, 2016

REPLEKSYON

Repleksyon
            Sa yugtong natuto si Binibining Phathupats ng ibang lingguwahe (Ingles) ay naglaho na sa kanyang pagkatao ang lingguwaheng kanyang kinamulatan. Kapampangan ang naging pundasyon niya sa pakikipag-ugnayan kung kaya hindi dapat naging ganoon na lamang ang kanyang pagtalikod dito. Natakluban ng kanyang kagustuhang makakilala at matuto ng ibang wika, ang lingguwaheng kanyang nakagisnan. Ang pagkatuto ay hindi dapat maging manipestasyon ng paglimot ng naging pundasyon sa nakaraan.
            Hindi maaalis sa mga taong-bayan na maging ganoon ang reaksyon nila sa naging asal ni Binibining Phathupats. Para sa kanila, ay kawalang utang na loob sa kinagisnang lingguwahe ang inasal niya. Ngunit kung  higit na inunawa nila ang sitwasyon ni Bb.Phathupats ay hindi magiging ganoon ang reaksyon nila. Hindi nila nagawang respetuhin si Bb. Phathupats marahil ay dahil di maganda ang dating sa kanila ng pagsasalita ng binibini.

            Marami na ang Binibining Phathupats ngayon dala ng modernisasyon at pagbabago sa pag-inog ng mundo. Kapag natuto na ng ibang lingguwahe ay ganoon na lamang ang paglimot sa nakasanayan, na hindi dapat hayaang mangyari. Ang pagkatuto ay hudyat ng bagong kaalaman kasabay ng pagpapaunlad pa ng dati ng natutunan. Huwag ikakahiya ang lingguwaheng nakagisnan dahil kung wala ito ay hindi ka matututo ng panibago. 

Ms. Phathupats (Buod)

Ms. Phathupats (Buod)

Buod ng “Si Binibining Phathupats”
            Si Binibining Yeyeng ay isang Pilipinang Kapampangan na nagtitinda ng ginatan o kaya ay bitso-bitso dahil sa hirap ng buhay nila. Dahil sa kanyang mga suki sa mga kawal ng mga Amerikano ay napilitan siyang mag-aral ng Ingles. At nang natuto siya ay ipinadala siya sa isang bayan kung saan humanga sa kanya ang mga tao doon sa husay niyang mag-Ingles.
            Lumipas ang panahon at nakalimutan na niya ang pagsasalita ng Kapampangan. Napaltan na rin ang kanyang pangalan na “Binibining Phathupats” dahil sa kanyang malapad na balakang.
            Sa isang pista sa bayan aymay nagbabasa ng pahayagang Kapampangan na kanyang nilapitan at sinabing “Mi no entiende ese Pampango”. Tinugon siya ng “Mi no entiende ese Pampango” dahilan upang magtinginan sa kanya ang mga tao ngunit hindi niya pinansin. Sinabi niya na nahihirapan na siyang bumigkas ng Kapampangan kung kaya napatawa ng malakas ang mga nakaparinig.
            Sa galit niya, ay sinabi siya sa mga tumatawa na “Porque reir?” at sinagot siya ng “Por el tsampurado, Binibini” na lalong nakapagpalakas sa hagalpakan. Dalawang dahilan kung bakit hindi na siya marunong magsalita ng Kapampangan, una ya dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na Amerikano at pangalawa ay di na siya Kapampangan.

            Sa galit niya ay lumabas sa bibig niya ang mga maruruming salita na tinurang Kapampangan kung kaya’t napag-alaman na siya ay Kapampangan. Napaiyak siya at sa pagtulo ng luha niya ay lumabas ang tunay niyang kulay. Sinabi nila na Amerikanong Negra pala siya at lalong lumakas ang hagalpakan. At halos magkandarapa na siya sa paglabas na bubulung-bulong,bahag ang buntot habang pinagtutulungan siya ng taong bayan.